2 PINOY, PATAY SA PAG-ATAKE NG HAMAS SA ISRAEL



Nasawi ang ang dalawang Pinoy sa nangyaring pag-atake ng mga Palestinian militant group na Hamas sa Israel, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sinabi naman ni DFA Secretary Enrique Manalo ang pagkondena ng Pilipinas sa pagkasawi ng dalawang Pilipino at iba pang akto ng terorismo at karahasan bilang resulta sa ginawang aksyon ng Hamas kontra sa Israel.

Nauna nang iniulat ng DFA ang pagkawala ng anim ng Pilipino habang dalawang Pinoy ang sugatan at kasalukuyang nagpapagaling mula sa malawakang pag-atake sa Israel.

Nangako naman si Manalo na patuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan sa lahat ng mga distressed Filipinos sa Israel at Palestine.

Napag-alamang ang Israel ay tahanan ng halos 30,000 na mga manggagawa mula sa Pilipinas, kung saan karamihan sa kanila ay caregivers habang 167 namang mga Pilipino ang nasa Gaza Strip. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog