SOUTH KOREA, INTERESADONG KUMUHA NG MAS MADAMING PINOY CAREGIVERS

 



Sa anunsyo na inilabas ng South Korea, pinag-aaralan na nila ang pagkuha o pagdagdag ng mga Filipino caregivers.

Ayon kay Lee Sang-Hwa South Korean Ambassador to the Philippines, nakipag- ugnayan sila sa DFA upang ibahagi ang plano nitong magdagdag ng mga Filipino caregiver sa Korea.

Ang mga Filipino caregiver ang may pinakamataas na reputasyon sa buong mundo at may magandang kooperasyopn pagdating sa sektor ng kalusugan.

Umaasa ang Seoul na makakatanggap ito ng hindi bababa sa 100 Filipino caregiver sa unang bahagi ng Disyembre 2023.

Samantala, nauna nang iniulat ng Korea Times na ang South Korea ay nakikipagbuno sa kakulangan sa gitna ng mabilis na pagtanda ng populasyon, na nag-udyok sa mga panawagan sa gobyerno ng South Korea na pagaanin ang mga patakaran sa visa at magdala ng mga dayuhang tagapag-alaga. | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog