COMELEC, NAGBIGAY NG P10-M BUDGET SA PCG PARA SA 2023 BSKE SUPPORT


Itinurn-over ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ang P10 milyon sa Philippine Coast Guard (PGC) bilang karagdagang pondo para sa operasyon ng nalalapit na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Pinangunahan ni Comelec chair George Garcia at Coast Guard Admiral Artemio Abu ang ceremonial turnover sa nasambit na pondo sa PCG headquarters sa Manila.

Samantala, sinabi ni Garcia na ang inilaang P10 Million ay ginawa sa pamamagitan ng inisyatibo ni Bulay, na kalaunan ay inaprubahan ng Comelec en banc. 

|VILROSE CUAL

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog