RE-ELECTIONIST BARANGAY. CHAIRMAN, PATAY MATAPOS MAKURYENTE


 

Hindi na umabot ang isang kumakandidatong incumbent barangay chairman sa paparating na Barangay at Sanguniang Kabataan Election (BSKE) matapos masawi habang nagtatayo ng streetlight sa isang liblib na lugar sa Midsayap, Cotabato.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Midsayap Disaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Police ang pagkasawi ni Leonito Cabada, incumbent chairman ng Barangay Bitoca at re-electionist para sa barangay elections, matapos na makuryente.

Ayon sa MDRRMCA, agad na nangisay at namatay si Cabada dahil sa matinding boltahe na dumaloy sa kanyang buong katawan.

Habang, tatlong volunteers naman ang kritikal nang tamaan ng kanilang hawak na bakal na poste ang isang high-tension power cable na nakabitin sa pagitan ng dalawang poste ng kuryente sa Barangay Bitoka.

Mabilis namang nai­sugod sa pagamutan ang tatlong kasama ni Cabada at nilalapatan na ng lunas sa tinamong mga paso at sugat sa kanilang katawan sanhi ng pagkakakuryente. | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog