MAG-AARAL NG MUNTINLUPA, NAKASUNGKIT NG GOLD MEDAL SA ASIAN MUSIC GAMES SA INDONESIA

 


Nakuha ng isang mag-aaral na si Mhico Aish Cortel ang gold medal sa Asian Music Games 2023 na ginanap sa East Java, Indonesia.

Si Mhico ay residente ng Barangay Poblacion at isang senior high school student sa Tunasan National High School sa Muntinlupa.

Tinanghal na kampeon si Cortel sa Individual Solo Color Guard Senior Class (Male) ng Asian Music Games.

Ayon kay Cortel, taong 2016 ng mag umpisa siya bilang member ng banda gamit ang lyre o xylophone at trombone hanggang sa dumating ang COVID-19 pandemic ay naging interesado na siyang maging isang color guard.

Hindi makapaniwala ang gold medalist na sasabak siya bilang color guard sa ibang bansa at kakatawan sa Pilipinas.

Ang Asian Music Games ay ang flagship event ng Asian Marching Band Confederation, na isa sa pinakamalaking music at visual competition sa Asya.

| VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog