Hawak na hostage ng mga Hamas ang isang Pilipino sa
Israel matapos ang ginawang pag-atake ng mga militanteng grupo sa lugar nitong
nakaraang linggo.
Ayon kay Lourdes Levi, Filipino community leader sa Israel,
nasa kamay ng mga Hamas ang kasamahan nilang Pinoy habang 3 pa ang sugatan dulot
ng pag-atake.
Maliban sa isang hostage at tatlong sugatan ay mayroon pa
umanong apat na mga Pinoy ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Dagdag pa rito, sinabi sa isang panayam na limang mga
Pinoy ang nananatiling nawawala pati may isa pang hostage ang dinala sa Gaza.
Si Levi ay isa sa mayroong direktang kontak sa mga
opisyal ng embahada ng Pilipinas at ng community leaders upang makipagpalitan
ng impormasyon at updates tungkol sa sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing
bansa.
Batay naman sa Philippine government, nasa 30,000 na ang mga
Pilipinong nandoon sa Israel ngunit karamihan sa kanila’y nasa hilagang bahagi
ng bansa kung saan malayo ito sa lugar na pinangyarihan ng kaguluhan.
Umabot na din sa libo-libong mga indibidwal ang naitalang
nasawi matapos ang nangyaring pag-atake ng mga militanteng grupo sa Israel.
Samantala, nagdeklara naman ng “war” kontra sa Hamas ang
Prime Minister na si Benjamin Netanyahu bilang paghihiganti. |SAM ZAULDA
0 Comments