Simula alas-12:01 ng
madaling araw nitong linggo, Oktubre 8, aarangkada na ang P1 pagtaas pasahe o
ang P13 na minimun na pasahe sa jeep.
Matandaan na ang P1
provisional increase ay inaprubahan ng LFTRB board noong nagdaang Miyerkules.
Ito’y kasunod ng petisyon ng
transport group upang maibsan ang epektong dulot ng mataas na presyo ng
petrolyo sa bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman
Teofilo Guadiz, ang provisional fare increase pa lamang ang kanilang
inaprubahan habang wala pa silang desiyon sa petisyon ng Transport groups na P5
fare hikes sa unang apat na kilometro at P1 taas sa succeeding kilometer.
Dagdag pa dito, sisimulan naman
ng LFTRB board sa buwan ng Nobyembre ang pagdinig sa petisyon na P5 taas pasahe
sa jeep.
Samantala, hindi naman tataas
ang pasahe sa ibang mga pampasaherong sasakyan dahil wala naman nagsumite sa
LTFRB ng fare hike petitions para sa mga pampasaherong bus, taxi at AUV. |
VILROSE CUAL
0 Comments