LJ REYES, IKINASAL NA SA NON-SHOWBIZ PARTNER


 

Opisyal nang ikinasal si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista.

Ang mga eksena sa kanilang kasal ay ipinost sa social media ng digital creator na si Mark Baquiran-Espisoto.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories, nagpalitan ng 'wedding vows' sina Reyes at Evangelista sa Eatons Neck sa New York nitong Linggo (Manila time).

Kasunod ng kanilang garden wedding, ibinahagi din ng Nice Print ang mga opisyal na larawan ng mag-asawa sa kanilang kasal.

May 30, 2023, nang ianunsyo ni LJ sa publiko na engaged na siya kay Philip. Ito rin ang unang pagkakataon na nag-post siya tungkol sa kanya sa publiko.

Bago si Philip, unang naging magkarelasyon sina LJ at Paolo Contis mula 2015 hanggang 2021, ngunit nauwi rin sa hiwalayan dahil sa pagtataksil ng aktor. 

| VILROSE CUAL

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog