PHILIPPINE EMBASSY SA ISRAEL, INALERTO ANG MGA PINOY SA ISRAEL KASUNOD NG PAG-ATAKE NG HAMAS

 


Inatasan ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pinoy sa lugar na sumunod sa safety precautions kasabay ng mga pag-atake na isinagawa ng Palestinian Islamist group na Hamas.

Kasunod nito ay naglabas din ng “State of War alert” ang Home Front Command ng Israel.

Sa pahayag ng embahada, inabisuhan nito ang mga OFW na naninirahan malapit sa Gaza Strip at south Israel na sumunod sa safety guidelines na inilabas ng Home Front Command sa pamamagitan ng isang instructional video.

Dito ay pinaalalahanan ang mga residente na magtago sa pinakaloob na mga kwarto o corridor ng gusali kung saan walang gamit ang posibleng masira o mabasag ng pagsabog, makaraang magsagawa ng rocket attacks ang Hamas mula sa Gaza Strip na sinabayan pa ng pagpasok sa border ng mga armadong kalalakihan.

Nabatid na maituturing na itong “most serious attack” mula noong nangyari ang 10-day war noong 2021.

Samantala, mahigpit naman na tinututukan ng Department of Migrant Workers (DMW), Philippine Embassy sa Tel-Aviv, at Migrant Workers Office–Israel (MWO) ang sitwasyon ng mga Filipino sa apektadong lugar habang nakikipag-ugnayan din ang mga lider ng Filipino community (FilCom) sa mga miyembro nito, at pinayuhan ang lahat na manatili pa ring kalmado. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog