GOBYERNO, DAPAT MAY SARILING CYBERSECURITY TEAM - DICT



Inire-require ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkakaroon ng sariling cybersecurity response team ng mga ahensya ng gobyerno lalo na't patuloy ang pagtaas ng banta ng cyberattacks sa bansa.

Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, sa kabila aniya ng pagkakaroon ng National Computer Emergency Response Team (NCERT) ng bansa, ay hindi parin aniya kakayanin ng grupo ang mga pangangailangan ng government agencies.

Ang NCERT ay isang unit sa ilalim ng DICT na tumatanggap, sumusuri, at tumutugon sa mga insidente ng seguridad sa computer.

Dagdag pa ni Dy, umaabot sa mahigit 3,000 events, o mga isyu sa cybersecurity sa buong bansa  mula January hanggang August ang naaksyunan na ng grupo subalit ang mga tao umano  nila ay puro mga job order.

Kung saan, ang mga job order staff ay walang security of tenure, mas mababa ang binabayaran at walang mandatoryong benepisyo, ayon sa mga grupo ng manggagawa tulad ng COURAGE na tumututol sa labor contractualization.

Sinabi pa ni Dy na maaari sana silang tumugon sa pag-atake ng ransomware sa sistema ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corp. kung mayroon lang umanong saktong gamit.

Sinasabing natagalan umano ang PhilHealth na maibalik ang kanilang system dahil sa kakulangan ng kapasidad at mga tool para pag-aralan ang cybersecurity “environment,” dahil naka-link ang system sa eGovPH app.

Matandaan na nag-down ang online system ng PhilHealth mahigit isang linggo at patuloy pa rin itong isinasaayos. |VILROSE CUAL

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog