Magkakaroon na ng sariling
premier ang pelikulang “The Gospel of the Beast” sa gaganaping 36th
Tokyo Film Festival sa Japan.
Tampok sa naturang pelikula
ang mga aktors mula sa iba’t ibang probinsya ng Western Visayas gayundin, ang kabuuang
senaryo nito ay kinunan sa iba’t ibang lugar sa Panay partikular na sa Pandan,
Antique at Iloilo.
Ayon sa Southern Lantern
Studios, ilan sa mga kasamang gaganap ang mga kilalang award-winning actors na
sina Jansen Magpusao ng Pandan, Antique, at Ronnie Lazaro ng Sagay, Negros
Occidental.
Ang pelikulang “The Gospel
of the Beast” ay nakatuon sa kwento ng isang 15-anyos na aksidenteng pinatay
ang kaklase. Ito ay tumakas kasama ang lalaking hindi niya gaano kakilala, kung
saan nakabuo ito ng kakaibang father-son relationship. Dito na natuklasan ng
15-anyos ang mapait na katotohanan tungkol sa buhay, kamatayan at BEASTHOOD.
Isa sa mga comeback film ni
Sheron Dayoc ang nasabing pelikula matapos ang anim na taon.
Samantala, kabilang din sa
recipient ng Film Development Council of the Philippines’ International
Co-Production Fund ang pelikulang “Gospel of the Beast” at ang producer nito ay
ang Southern Lantern Studios.
0 Comments