MAGNANAKAW NA GINAWANG MUMMY SA LOOB NG 128-TAON, ILILIBING NA

 


Sa wakas ay ililibing na ang pinakamatandang mummy sa Estados Unidos na ginawang display sa isang funeral home sa Pennsylvania matapos ang 128 na taon.

Tinawag na si Stoneman Willie ang nasabing mummy dahil sa hindi pa matukoy ang pagkikilanlan nito.

Sinasabing, dating bilanggo si Stoneman dahil sa umano’y kasong pagnanakaw hanggang sa namatay ito sa loob ng kulungan dulot ng sakit sa bato.

Sa isang ulat, aksidente itong na-mummified habang nasa proseso ng pag-eembalsamo gamit ang modernong pamamaraan.

Dahil sa hindi matukoy ng mga awtoridad ang kamag-anak ng naturang mummy, hiniling na lang na panatiliin ang bangkay sa punerarya upang suriin ang epekto ng embalsamo.

At nang tumagal, ginawa nang display ang naturang mummy.



Kaugnay nito, lumipas na ang maraming taon ay mabibigyan na ng disenteng libing ang nasabing mummy.

Kung saan, isasabay ito sa selebrasyon ng kasarinlan ng lugar, at ilalagay sa kaniyang paghihimlayan ang tunay na pangalan ni "Stoneman Willie" sa darating na Sabado.

Samantala, itinuturing na ng mga residente na parte na ng kasaysayan ng kanilang lugar si Stoneman Willie at masaya ang mga ito na maililibing na ito sa wastong libingan.

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog