Patay ang isang Grade 5 student matapos umanong sampalin ng
kaniyang guro sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City.
Ayon sa ulat, ika-20 ng Setyembre nang hinawakan ito sa
damit at buhok at sinampal ng nasabing guro dahil diumano sa pag-iingay.
Nakapasok pa umano ang 14-anyos na estudyante ng ilang araw
ngunit unti-unting na itong nakaramdam ng pananakit ng ulo at taenga na
sinundan ng pagkawala ng balanse at pagsusuka kung kaya’t dinala na ito sa
ospital.
Dito na nabatid na nagkaroon ng pagdurugo sa utak nito na
naging dahilan ng pagka-comatose hanggang sa binawian ng buhay.
Dahil dito nakatakda namang sampahan ng kasong homicide at
paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law laban sa gurong nanampal habang
bumuo naman ang Department of Education (DepEd) Calabarzon ng isang
fact-finding team na mag-iimbestiga ukol dito. |TERESA IGUID
0 Comments