MGA ESTUDYANTE SA CAVITE, SINULIT ANG VACANT TIME SA JAPAN?



Naghatid ng katuwaan sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Ayan Jade Paciencia Albopera matapos makaabot umano silang magkakaklase sa Japan dahil sa mahabang vacant time.

“Ikaw ba naman 7 hours ang bakante kaya nag-Japan muna kami na di na kailangan ng Visa,” saad ni Ayan sa caption ng kaniyang Facebook post.

Makikita sa larawan na aakalain mong sa Japan kinunan ang naturang larawan dahil sa disenyo ng arko na nagsilbing background nina Ayan at ng mga kaklase nito.

Ngunit, sa isang ulat ibinunyag ni Ayan na sa loob lamang umano ng Cavite State University-Main Campus kinunan ang larawan.

Napag-alamang, sina Ayan at mga kaklase nito ay kumukuha ng programang Bachelor of Science in Hospitality Management sa nasabing pamantasan.

Ipinahayag pa ni Ayan na bagama’t mahirap ang buhay-kolehiyo sa umpisa, matatamasa rin ang kaginhawaang hinahangad pagkatapos nito.

Samantala, ipinaabot pa ni Ayan sa lahat ng mga estudyante na tatagan lang ang loob, habaan ang pasensya at huwag dibdibin ang anumang hamon kundi gawin itong inspirasyon para magtagumpay. |SAM ZAULDA

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog