MANILA ARCHDIOCESE, NANAWAGAN NG “HOLY HOUR” PARA SA KAPAYAPAAN SA “HOLY LAND”


 

Humihiling ng “holy hour” ang Manila Archdiocese para sa kapayapaan sa Holy Land sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestine militant group na Hamas.

Nitong Oktubre 15, ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pag-aapela ng Archdiocese para sa isang sandaling panalangin para sa lahat ng mga nagdurusa sa digmaan.

Ito ay alinsunod sa panawagan ng Latin Patriarch of Jerusalem Pierbattista Cardinal Pizzaballa na manalangin at mag-ayuno para sa kapayapaan sa Holy Land.

Matatandaang nagdeklara ng “State of War Alert” ang Israel matapos ang biglaang pag-atake ng militanteng grupo na Hamas sa lugar na ikinasawi ng libo-libong indibidwal.

Sa ngayon, mahigit 3,000 indibidwal na ang napatay mula sa magkabilang panig, kabilang na rito ang tatlong Pilipino.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog