LALAKING NANANALANGIN SA SIMBAHAN, PATAY MATAPOS PALAKOLIN SA ULO NG KASAMAHAN



(WARNING: SENSITIVE CONTENT)

Idineklarang dead on arrival ang isang lalaki sa Apalit, Pampanga matapos palakolin ng kasama habang nagdarasal sa simbahan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Apalit Police na habang taimtim na nananalangin ang biktima ay dahan-dahan itong nilapitan ng suspek at pinagtataga ng palakol sa ulo.

Ayon kay PLt. Col Michael Riego ng Apalit Municipal Police Station, tila may bumubulong umano sa suspek na patayin ang isang kamiyembro at hindi rin napansin ang pagpuslit nito ng isang patalim na nasa loob ng isang badminton bag.

Samantala, agad namang naaresto ang suspek dahil hinarangan ito ng mga kasamahan sa pananampalataya at mahaharap sa kasong pagpatay at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa pagdadala ng patalim.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog