Opisyal nang itinigil ng Walt Disney Company ang
pag-broadcast ng kanilang linear TV channels sa Southeast Asia nitong Oktubre
1.
Kung saan, hindi na mapapanood ng mga Pilipino ang
kanilang paboritong palabas sa lahat ng Disney channels, kabilang na ang
National Geographic channel.
Ayon sa My Sky website, tumigil na sa pag-broadcast ang Baby
TV, National Geographic, National Geographic Wild, Star Chinese Movies, Star
Chinese Channel, Star Movies, at Star World.
Nauna nang inanunsyo ang unti-unting pagtatanggal ng mga
channels sa TV noong Hunyo 2023.
Sinimulan ito noong 2020 nang isara ng Disney ang
kanilang sports channel sa Taiwan. At sinundan ito noong Setyembre 2021, itinigil
din ang pag-broadcast ng Fox, Fox Crime, Fox Life, FX, at Channel V gayundin
ang iba pang movie channels.
Bagama’t tumigil na ang pag-broadcast ng ilang channels,
ipinahayag ng Disney na maaari pa ring mapanood ang kanilang mga channels sa
pamamagitan ng pag-subscribe sa Disney+ o Disney+ Hotstar streaming platforms sa
buong Asia-Pacific region, maliban sa China.
0 Comments