‘COMPLETE DESTRUCTION’ NG HAMAS, NAIS TUTUKAN NG ISRAEL



Ipinag-utos ng Israeli Defense Minister na salakayin ang Gaza bilang paghihiganti sa pagsugod nito noong Linggo.

Ipinahinto din ng Israel ang pagbibigay ng suplay ng kuryente, pagkain, langis at tubig sa nasabing lugar.

Habang, nagpatawag na rin ng 300,000 reservists ang pamunuan ng Israel upang lumaban kontra sa Hamas.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), umabot na sa mahigit 900 na Israelis ang nasawi sa gyera habang mahigit 100 naman na Israeli civilians, soldiers, at foreign nationals ang hostage ng Hamas.

Kung kaya’t nagdeklara si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang kanilang bansa ay nasa gitna ng isang digmaan.

Sa isang pahayag, patuloy ang isinasagawang rescue operation ng mga awtoridad sa Israel upang masagip ang mga biktimang hawak ng Hamas bilang hostage.

Ang Hamas ay itinalagang grupo ng mga terorista na sinusuportahan ng Iran at ang namamahala sa Gaza Strip magmula pa noong 2007.

Itinuturing namang tirahan ng mahigit 2-milyong Palestinians ang Gaza, kung saan ang teritoryong ito ang naitalang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo at nananatiling parte ng kalupaan ng Israel mula pa noong 2007. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog