LIDER NG ‘SOCORRO CULT’, MAY TAGLAY NGA BANG KAPANGYARIHAN?



Ibinunyag ng dating miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) ang umano’y kakayanan ng kanilang lider na si Jey Rence Quilario o mas kilala bilang “Senior Agila”.

Sa nangyaring pagdinig sa senado, ipinahayag ni Regin Guma na kaya umanong pakantahin ni Senior Agila ang mga ibon pati na ang mapatigil ang ulan.

Personal umano itong nasaksihan ni Guma nang isigaw ni Senior Agila ang “Ulan tumigil ka” at agad tumila ang napakalakas na ulan.

Bukod pa dito, may kakayanan din umano ang kanilang lider na mag-iba iba ng boses.

Ito ang naging dahilan kaya sumali si Guma sa grupo at iniwan ang pagtuturo.

Napaniwala din umano si Guma sa mga pangakong binitawan ni Senior Agila kung saan mapupunta umano ito sa langit kapag ito’y sumunod ngunit kapag hindi ay mapupunta sa impyerno.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa naturang grupo na nakabase sa Surigao del Norte dahil sa mga reklamong qualified trafficking, kidnapping at serious illegal detention laban kay Quilario at sa 12 tauhan nito. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog