K-DRAMA MOVIE NI MELAI, IPAPALABAS NA SA NOBYEMBRE



Ibinahagi ng “Magandang Buhay” momshie host na si Melai Cantiveros – Francisco ang opisyal na poster nito sa pelikulang “Ma’am Chief”

Sa pahayag ng momshie host, ipapalabas na sa Nobyembre 15 ang nasabing K-Drama sa lahat ng sinehan sa bansa.

Kung matatandaan, pumunta ng South Korea ang buong pamilya ni Melai dahil sa ginagawang pelikula nito na ishinoot sa nasabing bansa.

Nauna na ding ipinasilip ng komedyante ang karakter na gagampanan nito sa ipapalabas na K-Drama.



Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Melai sa lahat ng mga taong nasa likod ng pagbuo ng naturang pelikula gayundin sa mga co-actors nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog