Nakatakdang isasailalim sa imbestigasyon ang lider ng K-pop boy group ng BIGBANG na si G-Dragon matapos umano’y gumagamit ito ng ilegal na droga.
Ayon sa ulat ng News1 sa Korea, nai-book na walang detensyon mula sa Incheon Metropolitan Police Agency ang Kpop artist dahil sa paglabag sa Narcotic Control Act.
Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kaso ni G-Dragon ang pulisya sanhi ng iniimbestigahan pa ito.
Nilinaw naman ng Korean police na wala umanong kaugnayan ang kaso ng BIGBANG member sa kaso ng Parasite star na si Lee Sun-kyun, matapos maiulat na ito’y isasailalim sa imbestigasyon dahil sa parehong kaso nitong nakaraang linggo.
Kaugnay nito, tumangging magbigay ng komento ang YG Entertainment, dating humahawak na agency sa BIGBANG, sa isyu ni G-Dragon dahil hindi na ito artist sa ilalim ng kanilang ahensya.
Matatandaan noong 2011, nasangkot din sa isang kontrobersya si G-Dragon matapos itong namataan na humihithit ng marijuana sa isang after-party ng BIGBANG sa Japan.
Kung saan, inamin nitong nakahithit ito sa pag-aakalang ito’y isang sigarilyo na inialok ng isang bisita sa nasabing party. |SAM ZAULDA
0 Comments