Inatasan ng Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. ang mga apektadong ahensya na maging “proactive” at
palakasin pa ang depensa ng mga ito laban sa atake ng mga hackers.
Ito’y matapos na magkaroon
ng data leaks ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, nais nitong
malaman ang technical details at pinaalalahanan na dapat na maging handa na ang
mga ito bago pa man mangyari ang data leaks.
Nauna ng inulat ng
Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na apektado ng cyber-attack ang
kanilang website dahilan sa pag leak ng ilan sa mga datos nito.
Sinundan naman ito ng
kaparehong isyu sa Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Science
and Technology (DOST), at Philippine National Police (PNP).
Ibinunyag naman ni DICT
spokesperson Renato Paraiso na tukoy na ang suspek sa likod ng insidente ng data
breach sa PSA.
Samantala, hindi pa pinangalanan ang sangkot sa likod ng mga nangyaring hacking sa system ng ilang ahensya ng gobyerno ngunit tiniyak ng pamahalaan na iisang tao lang umano ang salarin sa naglabas at nagpakalat ng mga datos sa PSA at DOST.
| VILROSE CUAL
0 Comments