PILIPINAS, ITINAAS SA ALERT LEVEL 4 ANG GAZA CITY


 

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na itinaas na sa Alert Level 4 ng Pilipinas ang Gaza City.

Kung saan, nangangahulugan ito ng mandatory evacuation sa lahat ng mga Pilipinong nasa Israel.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, itinaas ng Pilipinas sa alert level 4 ang Gaza sanhi ng posibleng mapanganib na pag-atake ng mga Israeli kontra sa militanteng grupo na Hamas.

Kung kaya’t nanawagan ang DFA na kinakailangang umalis na sa Gaza ang lahat ng mga Pinoy doon at nangakong tutulungan silang makatawid sa Egypt.

Napag-alamang nasa 131 Filipinos ang nandoon sa Gaza.

Matatandaang naglunsad ng pinakamalaking pag-atake sa Israel ang Hamas noong Oktubre 7, kung saan nagpaputok ang mga ito ng rockets at nag-deploy ng mga armadong kalalakihan sa ilang bayan, na nagresulta sa pagdedeklara ng Israeli government ng state of war.

Matapos ang biglaang pag-atake ng Hamas, naglunsad naman retaliatory strikes ang Israel sa Gaza na umabot sa libo-libo ang nasawi.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang nangyayaring giyera sa pagitan ng Israel at Hamas kung saan nasa tatlong Pilipino na ang kumpirmadong patay habang nananatiling nawawala ang tatlo.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog