WESTERN VISAYAS, PINAKAMARAMING NAGSUMITE NG COC PARA SA BSKE 2023 -COMELEC

Ang Western Visayas ang may pinakamaraming nagsumite ng Certificate of Candidacy para sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Base sa datos ng COMELEC, aabot sa 139,495 na mga aspirant ang nagsumite ng naturang sertipiko para maging kaparte ng lokal na pamahalaan.

Sa naturang bilang, 9,065 rito ang tatakbo bilang Punong Barangay (PB); 73,730 ang gustong makapasok bilang Member ng Sangguniang Barangay (MSB); 9,074 naman ang tatakbo sa pagiging Chairperson ng Sangguniang Kabataan; habang 47,626 ang nais makasama bilang miyembro ng SK (MSK).

Pinakamarami ang tatakbo sa Iloilo – 59,031; pumapangalawa naman ang Negros Occidental – 29,286; Antique – 18,755; Capiz – 17,209; Aklan – 11,613; at Guimaras - 3,601. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog