PROPOSED ₱2.3-BILYONG 2024 BUDGET PARA SA OVP, APRUBADO NA NG SENADO; ₱500-M CONFIDENTIAL FUNDS, ISINAMA PA

 


Inaprubahan ng Senate committee on finance nitong Setyembre 4, Lunes ang panukalang ₱2.3 billion na 2024 budget ng Office of the Vice President (OVP) Sara Duterte.

Kabilang sa nasabing panukalang budget ni Duterte ay ang tumataginting na ₱500 milyong alokasyon para sa confidential and intelligence funds (CIF), kung saan pinanatili ito ng Senado.

Tumagal ng halos isa’t kalahating oras ang delibirasyon dahil pinutol ito ni Senador Bong Revilla bilang “courtesy” sa bise presidente.

“Traditionally, with due respect and courtesy to the second highest official of the country. When the budget of OVP, deliberations are terminated after a few pleasantries bilang pagkilala at respeto sa bise president,” pahayag ni Revilla.

Napag-alamang ang minority bloc, sina Senate Minority Leader Koko Pimental at Deputy Senate Minority Leader Risa Hontiveros, ang kumwestyon sa hinihinging ₱500 milyong confidential fund ni Duterte.

Ipinunto ni Hontiveros na mas malaki ang confidential funds ni Duterte ikumpara sa CIF ng Department of National Defense and National Intelligence Coordinating Agency sa kanilang ipinapanukalang 2024 budget.

“Ano po ba ‘yung magiging subjects ng OVP intelligence gathering operations? Ano ang mga intensyon at capabilities ng mga subjects na ito na kailangan ng OVP ng intelligence on these? At paano nitong mga subjects tine-threaten ang operations ng OVP?” tanong ni Hontiveros.

Sagot naman ng bise presidente, para umano ito sa ligtas at matagumpay na pag-implementa ng mga proyekto ng OVP.

Samantala, kinuwestyon din ni Pimentel ang ₱125-milyong nagastos sa confidential funds ng OVP noong 2022 kahit hindi naman ito kabilang sa inaprubahang 2022 budget. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog