COMELEC AKLAN, BINALAAN ANG MGA KANDIDATO KAUGNAY SA PREMATURE CAMPAIGNING

Binigyang diin ni Comelec Aklan Spokesperson Crispin Reymund Gerardo na mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang pagsasagawa ng anumang uri ng premature campaigning maliban sa itinalagang campaign period sa Oktubre 19 hanggang 28 alinsunod sa Comelec Resolution No.10905.

Aniya, ang mga posters na nakalagay sa daan ay pwedeng iligpit gayundin ang mga post sa social media na may kaugnayan sa pangangampanya.

Sa ngayon, pinagsisikapan na aniyang matapos ang listahan para makita ang kabuuang bilang ng mga aspirants na nagfile ng Certificate of Candidacy (COC).  

Ito ay upang matukoy ang mga electoral board na may mga kamag-anak na kandidadto sa kani-kanilang place of assignment.

Nagpaalala rin ito sa incumbent candidates na patuloy pa rin ang kanilang official functions sa barangay hangga’t hindi masasabing nangangampanya ang mga ito.

Samantala, sinabi nito na naging matiwasay at matagumpay ang isinagawang filing ng COC sa buong probinsya ng Aklan. | JURRY LIE VICENTE


(via Regilyn Turnino)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog