Iiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na makakaapekto sa bahagi ng Mindanao, ngayong araw.
Ayon sa PAGASA ang Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng ITCZ.
Habang ang natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng ITCZ/Localized Thunderstorms.
Samantala, mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog hanggang Timog-Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.|TERESA IGUID
0 Comments