Naka-jackpot ang isang Pinay na naninirahan sa United Arab Emirates matapos manalo sa Fast5 Emirates Draw ng 25,000 dirhams kada buwan sa susunod na 25 taon.
Kinilala ang maswerteng Pinay na si Freilyn Angob, 32-anyos
na pangalawang nanalo ng Grand Prize FAST5 draw.
Ang matatanggap ni Angob ay katumabs ng tumataginting na 386,458
pesos kada buwan sa loob ng 25-taon.
Plano ngayong pakasalan ng Pinay ang kanyang kasintahan na
matagal na aniyang plano pero hindi matuloy-tuloy dahil sa kakulangan sa
pinansyal.
Unang nagtrabaho bilang dental nurse si Angob sa UAE at ngayon
ay isa na itong laser technician at nasa 10 taon nang naninirahan doon.
Hinikayat naman nito ang mga Pinoy sa naturang bansa na
maglaro sa Emirates Draw FAST5 dahil posibilidad na manalo ng malaking halaga.
0 Comments