COMELEC BINIGYAN NG EXEMPTION ANG PAMAMAHAGI NG FUEL SUBSIDY



Pinayagan ng The Commission on Elections (Comelec) ang apela ng Department of Transportation (DOTr) at nang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng pagpapatuloy sa pamamahagi ng fuel subsidy sa sektor ng transportasyon.

Ito ay sa kabila ng umiiral na election spending ban kung saan ipinagbabawal ang paglalabas ng pera ng gobyerno ngayong nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa datos ng LTFRB, nasa 63, 864 palang ang nakatanggap ng ayuda na driver at operator mula sa 280,000 na target.

Nabatid na may kabuuang mahigit 1.3 million ang mga beneficiaries ng programa na pinondohan ng P2.95 billion ng gobyerno.

Kasama rin sa mga binigyan ng exemption ng Comelec ay ang mga livelihood at work programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mga sumusunod:

Special Program for Employment of Students

Government Internship Program

JobStart Philippines Program

DOLE Integrated Livelihood Program (KABUHAYAN)

Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program

|Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog