Makakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Mindanao, ngayong araw.
Ayon sa PAGASA ang buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Silangan hanggang sa Timog-Silangan ang iiral sa Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Samantala, mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa
Silangan hanggang sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas na may
banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. |TERESA IGUID

0 Comments