PEÑAFRANCIA FLUVIAL PROCESSION SA NAGA CITY, MATAGUMPAY NA IDINAOS

 


Naging matagumpay ang taunang fluvial procession na idinaos kahapon sa Naga City, Camarines Sur sa kabila ng pagdagsa ng mga deboto ng Our Lady of Peñafrancia flocked.

Nabatid na bago ang parada, isang celebratory Mass ang idinaos sa Quadricentennial Arch ng Naga Metropolitan Cathedral.

Habang kabuuang 156 bangka sakay ang mga deboto ang inihanda malapit sa ilog para ibyahe ang imahe ng Birheng Maria, na tinatawag na “Ina” ng mga lokal kasabay ng parada.

Kaugnay dito, nagsagawa rin ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard Explosive Ordinance Disposal at K-9 units.

Matapos ang parada, isang vigil mass naman sa Minor Basilica of Our Lady of Peñafrancia grounds ang pinangunahan ni Most Reverend Charles John Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines. |TERESA IGUID

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog