OIL PRICE UPDATE | Aasahan ng mga motorista ang big-time oil price hike sa susunod na linggo.
Sa pagtataya ng ilang oil companies, posibleng umabot sa P1.70 hanggang P2.00 sa kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng gasolina, habang sa diesel ay aabutin ng mula P2.30 hanggang P2.60 ang itataas sa kada litro, at magkakaroon naman ng taas na P2.00 hanggang P2.30 sa kada litro ng kerosene.
Ang four-day Mean of Platts Singapore (MOPS) trading na mula September 11 hanggang September 14 ang ugat pag-alagwa sa presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, ito na ang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas
presyo ng gasolina at ika-11 beses na sunod na linggo na taas sa presyo ng
diesel at kerosene. |TERESA IGUID

0 Comments