UAAP, AARANGKADA MULI SA SETYEMBRE 30

 


Balik-aksyon ang pinakamatitikas na collegiate stars sa bansa sa paguumpisa ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament sa Setyembre 30 sa Mall of Asian Arena sa Pasay City.

Host sa bagong season ang University of the East (UE), kung saan ang magiging tema nito ay “Fueling the Future.”

Base sa inisyal na schedule, maglalaban sa opening day ang host na UE at UST gayundin ang reigning champion na Ateneo at NU; UP vs Adamson; at La Salle vs FEU.

Ang UAAP ang nagsisilbing entrada ng ilang atleta para makapasok sa mga professional league sa bansa tulad ng Philippine Basketball Association at Premier Volleyball League. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog