Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistrado na pagkain na walang mahigpit na evaluation process ng ahensya.
Ito
ang produktong “WANRENTANG Barley Seedling Powder Solid Drink.”
Isiniwalat
ito kasunod ng isinagawang online monitoring at port-marketing surveillance ng
FDA kung saan nasuri ang nasabing produkto na hindi rehistrado at hindi
nabigyan ng Certificate of Product Registration.
Batay
sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, mahigpit
na ipinagbabawal ayon sa FDA ang anumang aktibidad na may kaugnayan sa
pagbenta, pag-import, pag-export, pamamahagi, pag-promote o pag-sponsor ng
helath products na walang kaukulang authorization.
Paalala
ng FDA, ang hingi pagsunod sa nasabing paalala ay magreresulta sa regulatory
actions at sanctions. | JURRY LIE VICENTE
0 Comments