Umabot na sa mahigit 700 mga
kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang napadalhan
na ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause orders dahil sa
‘premature campaigning’.
Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec
Chairman George Garcia na hanggang Setyembre 15, umabot na sa 737 ang kanilang
napadalhan ng show cause orders.
Kabilang sa mga inireklamong
kandidadto ay may paglabag sa batas sa pamamagitan ng mga socia media posts,
namigay ng pagkain at items na may pangalan at litrato sa kanilang
barangay.
Kaugnay nito, muling nagbabala
si Garcia na sasampahan nila ng ‘election offense’ at ‘disqualification case’
ang mga nasabing kandidato na hindi sasagot sa ipinadalang mandato na
magpaliwanag. | JURRY LIE VICENTE

0 Comments