Opisyal nang naging batas
ang Republic Act No. 11962 o ang “Trabaho Para sa Bayan Act” matapos itong
lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules, Setyembre 27.
Layunin ng naturang batas na
makabuo ng mga trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino gayundin solusyon
ito sa mga isyu hinggil sa labor market sa bansa.
Nagpaabot naman ng
pasasalamat si Senate Majority Leader Joel Villanueva na tinugunan ng pangulo na
maisabatas ang “Trabaho Para sa Bayan Act” upang mabawasan ang mga Pilipinong
walang trabaho.
Umaasa pa si Villanueva na
mabigyan ng sapat na pondo ang nasabing batas nang sa gayon ay maramdaman ng
mga Pilipino ang benepisyong dulot nito.
Samantala, sinabi ni
Pangulong Marcos na makatutulong ang bagong batas upang maresolba ang isyu sa
labor sector.
0 Comments