Sinubok sa isang paralisadong Swiss man ang bagong
teknolohiya na makakapagbasa ng isip gamit ang Artificial Intelligence (AI).
Kung saan, ipinapasa ang signal sa pamamagitan ng kanyang
sariling nervous system papunta sa mga braso, kamay at daliri nito upang
maibalik ang paggalaw nito.
Ang 46-anyos na pasyente ang kauna-unahang sumubok ng nasabing
treatment dahil sa naparalisado na ang mga braso nito sanhi ng pagkahulog.
Dahil dito, may posibilidad pa umanong maigalaw niyang
muli ito gamit ang nasabing teknolohiya na may kombinasyon ng brain-computer interface
at ng spinal implant.
Sa ngayon ay nasa yugto pa ng pagsasanay ang nasabing
pasyente, kung saan tinuturuan ang kanyang brain implant na kilalanin ang iba’t
ibang ninanais na mga paggalaw. |SAM ZAULDA
0 Comments