Nabili sa halagang $1.14 milyon ang sweater ng namayapang si
Princess Diana sa isang auction sa New York.
Nabatid sa Sotheby’s auction sa New York na Agosto 31 ng simulan
ang naturang bidding kung saan agad na pumalo sa $200,000 ang halaga nito at
patuloy pang tumaas hanggang sa maabot ang nasabing presyo nito.
Kaugnay dito, hindi na ipinakilala pa sa publiko ng auction
house ang nanalo sa nasabing bidding.
Habang, ang isang sweater naman ni Princess Diana ay naibenta
sa reality star na si Kim Kardashian sa halagang $203,000.
Samantala, ang sasakyan naman nito na kaniyang sinakyan noong
naaksidente sa isang Ford Escort ay nabili naman sa halagan $806,000. |TERESA
IGUID

0 Comments