SP MEMBER CLEOPE, IMINUNGKAHI NA BISITAHIN AT BAGUHIN ANG PLANO PARA SA BIKE LANES


Inirekomenda ni 1st District SP Member Apolinar Cleope na muling bisitahin at baguhin ang plano para sa konstruksyuon ng bike lanes sa Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay SP Member Cleope, ipinaliwanag nito na hindi tutol ang Sangguniang Panlalawigan sa bike lanes sa katunayan nagsumite sila ng resolusyon sa Department of Public works and Highways (DPWH) na mag-install ng bike lanes sa probinsya.

Aniya, makikita na elevated at mayroong bollards ang ginawang bike lanes sa Osmeña Avenue at kung ganito ang mangyayari sa Roxas Avenue at iba pang pangunahing kalsada, mahihirapang maka-access ang mga tao sa mga establisyemento sa Kalibo.

Dahil dito, hinihiling na muling bisitahin at ulitin ang plano upang hindi magdulot ng abala sa mga negosyante at makamit ang layunin na mabigyan ng proteksyon at kaligtasan ang mga bikers.

Giit pa nito, hindi nila alam na maglalagay ng bollards sapagkat bike lanes lamang ang ipiniresenta ng Department of Transportation (DOTr) at wala silang ideya sa nasabing plano.

Gayunpaman, isinusulong ng SP na markings o pinta ang ilagay sa kalsada upang maging “shared lane” | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog