Inanunsyo ng US Department of Agriculture (USDA) na ang
Pilipinas ang top importer ng bigas sa buong mundo, sa gitna ng pagtaas ng
presyo nito sa bansa.
Sa latest report ng USDA na “Grain: World Markets and Trade,”
aabot sa 3.9 million metric tons ang kabuuang rice importation ng Pilipinas sa
loob ng 2022-2023, as mataas ito ikumpara sa importation ng China na aabot
lamang sa 3.5 million metric tons.
Para naman sa 2023-2024 marketing period, posibleng aabot ang
importation ng Pilipinas sa 3.8 million metric tons.
Gayunpaman, naka-obserba naman ang USDA ng delay sa pagbili
ng bigas dahil sa global prices.
"In 2008, top importer the Philippines continuously
bought larger volumes as prices escalated; this year, it is delaying purchases,
awaiting lower prices," ulat ng USDA. |
JOHN RONALD GUARIN

0 Comments