Nasa 274 na mga rice retailers
mula sa mga kabaranggayan ng Kalibo ang nakatakdang makakatanggap ng ₱15,000 na
tulong-pinansyal.
Sa panayam ng Radyo Bandera
Sweet FM Kalibo kay Mr. Uriel Las Piñas ng Municipal Agriculture Office, sinabi
nito na nagsagawa sila ng profiling sa mga rice retailers kung saan hinanapan
ang mga ito ng lisensya at Department of Trade and Industry (DTI).
Kaugnay nito, nakatakda ring
isailalim ang mga ito sa validation ng DTI at Department of Agriculture (DA)
kasama ang mga dokumento na hinahanap ng gobyerno upang makatanggap ng ayuda.
Kabilang sa mga batayan para
makatanggap ng tulong-pinansyal ay ang pag-comply sa “price ceiling”.
Samantala, pagkatapos ng
validation ay inaasahang ipamahagi ang livelihood assistance sa mga susunod na
araw. |JURRY LIE VICENTE
Via Kabanderang Michael
Selorio

0 Comments