SOCIAL MEDIA CAMPAIGNING, BAWAL PA –COMELEC


Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ipakilala ang kanilang sarili sa social media hanggang sa magsimula ang campaign period.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, nakasaad sa Section 80 ng Omnibus Election Code na ipinagbabawal ang pangangampanya sa halalan o partisan political activity sa labas ng itinakdang petsa. 

Aniya, kinakailangan din alisin ang lahata na social media posts kahit walang nakalagay na ‘vote for’.

Kaugnay nito, mahaharap aniya sa disqualification at criminal charges ang sinumang lalabag dito. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog