BAGYONG GORING, NAG-IWAN NG NASA ₱900-M NA PINSALA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

 


Umabot sa halos ₱900 milyon ang pinsala ng bagyong Goring sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Nabatid sa inilabas na bulletin ng DA Disaster Risk Reduction and Management Operations Center nitong Septem,ber 2, ang pinsala at pagkalugi na natamo ng sektor ng sakahan ay umabot sa P898.4 milyon, na mas mataas sa ₱504.4 milyon na naiulat noong Setyembre 1.

Apektado ni Goring ang 24,979 magsasaka at 34,979 ektarya ng lupang agricultural, kung saan ang pagkawala ng produksyon ay umabot sa 39,011 metric tons (MT).

Kaugnay dito, ang sub-sector ng mga hayop at manok ay nagkamit ng ₱2.3 milyong halaga ng pagkalugi, na nagkakahalaga ng 916 na ulo ng baka, kalabaw, kambing, manok, baboy, tupa, at itik na pinatay.

Sa ngayon, patuloy pa umano ang ahensya na nakikipag-ugnayan sa iba pang mga kinauukulan kaugnay sa DRRM para sa mga epekto ng bagyo pati na rin ang mga magagamit na mapagkukunan para sa mga interbensyon at tulong. | TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog