Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa "third country recruitment" na nag-aalok ng trabaho sa ibang lugar.
Sa ilalim ng nasabing “scheme” ang mga OFWs na mayroong
expired visa ay inaalok na ipadala sa ibang bansa at hindi malalaman ng
gobyerno ng Pilipinas ang kanilang transfer.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kahit
na hindi pa trabahao ng BI ang maghabol sa third party recruitment, nais nitong
ipaalam sa publiko lalo na sa mga OFWs dahil maraming ng parehong kaso ang
kanilang pinoproblema sa airport.
Katunayan, kailangan protektahan ng mga OFWs ang kanilang
sarili para hindi maloko at dapat tiyaking tama at kumpleto ang papeles kapag
nagtrabaho abroad. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments