SIMULATION EXERCISE NG KALIBO PNP, NAGING MATAGUMPAY



Naging matagumpay ang inilunsad na simulation exercise ng Kalibo PNP kasama ang mga rescuers at iba pang ahensya sa Kalibo Pastrana Park ngayong araw. 

Ayon kay Police Lt. Col. Belshazzar Villanoche, ito ay isa sa mga direktiba ng Regional Director bilang bahagi ng paghahanda ng mga kapulisan sa nanalapit na selebrasyon ng Martial law sa Setyembre 21. 

Aniya, kabilang sa isinagawang scenario ang “rally” at “active shooting” para ma-evaluate at ma-assess kung paano magresponde at mag-react sa scenario ang mga awtoridad. 

Layunin din nitong masukat ang kahandaan ng mga kapulisan sa mangyaring untoward incident.

Samantala, pinayuhan naman ni PLTCOL Villanoche ang mga kapulisan na maging alerto at palaging i-review ang Police Operational Procedures. |JURRY LIE VICENTE 



Post a Comment

0 Comments

Search This Blog