SB KALIBO, NAGPASA NG RESOLUTION OF INQUIRY PARA SUPORTAHAN ANG SENTAE BILL 306



Nagpasa ng resolution of Inquiry ang Sangguniang Bayan (SB) ng Kalibo upang suportahan ang Senate Bill 306 o Barangay Officials Retirement Benefits Act Of 2019 ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

Nakasaad sa panukalang batas na makatanggap ang mga opisyal ng barangay ng monthly pension na 65% ng kanilang monthly honorarium.

Maliban dito, makakatanggap din ang mga ito ng mga allowances at iba pang benepisyo alinsunod sa local at Barangay Ordinance.

Sa ilalim ng Senate Bill 306, inaatasan ang Government Service Insurance System (GSIS) na mag-establish ng sistema para sa benepisyo ng mga Barangay Officials.

Samantala, ang nasabing resolusyon ay nakatakdang isumite sa opisina ng Senator Zubiri. |JURRY LIE VICENTE

Via Kabanderang Michael Selorio

 

 



Post a Comment

0 Comments

Search This Blog