Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na hindi pa bababa
ang presyo ng produktong petrolyo hanggang Disyembre.
Ayon kay Energy Undersecretary Sharon Garin, kailangang
maibsan ang epekto ng oil prices sa huling quarter.
Sa isang pahayag, sinabi ni ACT-CIS partylist
Representative Erwin Tulfo, kasama sina Garin at Speaker Martin Romualdez, na
inihihirit ng oil industry representatives na suspendihin ang excise tax on
oil.
Samantala, sinabi rin ni Tulfo na hindi kontento ang mga
mambabatas dahil nais din ng mga ito na magkaroon ng kontribusyon ang oil
industry sa pagbaba ng presyo ng langis. | JURRY LIE VICENTE
0 Comments