SIGNAL NO. 1 SA ILANG LUGAR NAKATAAS PA RIN DAHIL SA BAGYONG HANNA; HABAGAT PATULOY NA IIRAL

Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Batanes at Babuyan Islands sa matinding hilagang Luzon, habang lumalakas ang Bagyong Hanna habang papalapit sa Taiwan.

Sa pinaka huling ulat ng PAGASA, nabatid na minimal hanggang minor na epekto ng malakas na hangin ang aasahan sa mga lugar na ito.

Ayon sa bureau, huling namataan si Hanna sa layong 220 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes na may lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro bawat oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kph.

Kaugnay dito, magpapatuloy naman ang pag-ulan ng habagat na magdadala ng bugso sa Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at ang hilagang bahagi ng Silangang Visayas noong Linggo.

Samantala inaasahan din na lilisanin ng bagyong Hanna ang Philippine Area of ​​Responsibility Linggo ng gabi o madaling araw ng Lunes. | TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog