PBBM TUTULAK PAPUNTANG INDONESIA PARA SA 43RD ASEAN SUMMIT


Inaasahan na tutulak muli si Presidente Bongbong Marcos papunta sa ibang bansa, sa mga susunod na araw.

Ito ay upang dumalo sa 43rd ASEAN Summit na itinakda sa September 5 hanggang September 7, 2023 sa Jakarta, Indonesia.

Sa isang pahayag, sinabi ni DFA Office for ASEAN Affairs Asec. Daniel Espiritu, na ang pagdalo ng pangulo sa event ay bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ni Indonesian Pres. Joko Widodo na tumatayong chairman ng ASEAN Summit ngayong taon.

Samantala, ang 43rd ASEAN Summit ay magsisilbing venue para maituloy ang pag-uusapan sa 32nd ASEAN Summit na ginawa nitong Mayo sa Labuan Bajo, Indonesia. | TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog