SC, TARGET NA MAILABAS BAGO MAG-PASKO ANG RESULTA NG BAR EXAMS

 


Target ngayon ng Supreme Court (SC) na ilabas agad ang resulta ng 2023 Bar Examination sa darating na Disyembre.

Sa pagsisisimula ng tatlong araw ng Bar examinations, sinabi ni Bar chairperson at Associate Justice Ramon Paul Hernando na plano ng SC na bago mag-Disyembre 25 ay mailabas ang resulta ng pagsusulit.

Matapos nito, agad rin aniyang isasagawa ang sabay-sabay na oath taking at signing of the Roll of Attorneys sa Disyembre bago ang araw ng Pasko.

Matatandaan na sa dating tradisyon, inilalabas ng Office of the Bar Confidant ng SC ang opisyal na listahan ng matagumpay na nakapasa tuwing huling Marso o unang linggo ng Abril kada taon. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog